Thursday, July 28, 2011

The Emotional Brewing of Rainy Season

What’s with the rain?

Cold. Gloomy. A catalyst of emotional downpour. Pero bakit mas madalas ang downpour? Mas marami na bang emotero sa mundo?

Alone in the room. Playing mellow music. Hibernate lang. ‘Yan ang kadalasang gawin pag tag-ulan. Pero ‘pag tinamaan ka ng matinding patak, bigla mo na lang maiisip ang mga bagay na’di naman kailangan at dapat. Kaya madalas, red horse iyong nilalapitan. =]


Rainy days with someone are cool. Rainy days with no one are cold. Sayang ang static energy sa katawan. Sayang ang “I’ll Make Love To You” ng Boyz II Men. Hindi ma’utilize ang energy. Kaya sa pag-e’emote na da’divert.

I’m a self-confessed emotero. Rainy man o hindi. Brewing my feelings like a coffee and taking a sip of those flavorful bitter-sweet emotions. And siyempre, always looking forward for a COOL rainy days. =]

Wednesday, July 27, 2011

kənˈfjuːzd

There are so many things I am confused about. But I don't need to elaborate. Magugulo lang ang utak ko. Haha. Focus muna sa mababaw. It's for you to discover what I am really pointing about. =]

Confused between i-touch 4th gen & blackberry 9105. Hehe.


Hindi naman ako maluhong tao. (Walang kokontra). Pero there are times when I have desire for something, para na siyang bedspacer sa loob ng utak ko na hanggat hindi ko siya nakukuha, 'di siya aalis. But how? hehe.

Sabi ng utak ko. I CAN. I can have those. My hold back is that there's a part of me (mga laman loob, half of my heart, and a quarter of my brain) clinging to status quo. But half of my heart and three quarters of my brain keep saying go! go! go! Buy it. =]

Bakit pa kasi nauso ang magagandang gadgets. Ambilis pa mag-evolve. Nakakahirap. One of my kryptonites. Hahaha. Someday.. sana malapit na. =]

Tuesday, July 26, 2011

Anger Management

Grrrrrr... Nakakagalit. Nakakapoot. There are times na hindi ko talaga mapigilang magalit or mainis sa isang tao. The hardest is when that person that made you irritated or angry is someone close to you. Ang hirap ilabas. Constipated. =] Pero most of the time sa loob lang ang galit ko. Minsan meron naman akong taong kinaiinisan talaga kahit wala namang ginagawang masama sa'kin. Pero short term lang. It's just like when I see that person's face naiimbyerna na ko. Hehehe. Normal? Ewan.


I can still manage to act cool kahit gusto ko na sumabog. Pag galit ako, wag mo na lang ako sabayan. Or let me eat or have my music therapy first. Madali naman humupa galit ko. Pero depende pa din sa offense haha.

Some of of the reasons ng pagkagalit or pagkainis ko: ('yung mga andito, eto lang ang top of mind ko hehe..)

1. LATE.
'Yung parang wala kayong usapan at uuuber sa tagal dumating.Tolerance ko lang sa paghihintay is 15-20 minutes. Pero minsan subjective ako. Depende din sa hinihintay ko haha.

2. PUSHING ME  OR LEAVING ME NO OPTIONS TO DO THINGS I DON'T WANT TO DO.
Reasonable naman diba? Sino ba may gusto ng ganun? Nakakairita lalo na kung biglaan.

3. DESTROYER OF MY SLEEPING MOMENTUM.
Tipong pagod ka or you lack of sleep tapos 'di mo magawa matulog dahil kwento ng kwento ng mga bagay na hindi naman ikababago ng mundo. Or tulog kana tapos bigla kang gigisingin at hindi naman emergency or urgent. Di baleng walang kain basta mi tulog.

4. NAGGER.
Kailangan pa bang i'explain yan? Kung magagawa ko lang na biglang suntukin 'yung mga nang gaganyan sa akin at paduguin ang mga bunganga nila, ginawa ko na. Manahimik lang.

5. PAULIT ULIT.
Di ako tanga. Pirated cd ka ba? or naka'unli ka? Ok lang naman ung twice. Pag pangatlo pwede pwede pa depende sa mood. Pero kung aaraw arawin mo, utang na loob, better shut your mouth. Ayako maging bastos. =]

'Yung 'di ko nabanggit, its for you to discover na lang. Be SENSITIVE lang. (not in a maarte way lol.)

Thursday, July 21, 2011

The Power of Beinte Dos

What's with this number? All I can remember when I was younger, this is my childhood sweetheart's birthday. The time of "crushes" when I was in my elementary years. Her birthday is October 22. Unfortunately, 'nung nag high-school na kami, medyo naputol na 'yung closeness namin until para na siyang super faded maong na napag-iwanan ng panahon. Super mahiyain kasi ako nun. Ayon, from then on, the magic of that number lost its power.


Pero lately lang, about two months ago. It seems like this number is gaining its special power again. Kasama ko na rin siyang tinatayaan sa lotto. Haha. Eto lang ang point ng post na to, I met someone. We're two months na. Too early to say na kami na talaga, pero I hope so. Sige na ngaaa! hahaha. And i guess mas special pa siya sa numerong beinte dos.

Eto na ang greeting,  Happy 2nd monthsarii sa'tin. =]

Tuesday, July 19, 2011

A Story of an Oversized Jersey

I'm not a sporty person. Hindi talaga. Gustuhin ko man pero tumatanggi yung katawan ko haha.

Ang eksena. Company Sportsfest. Last year I did not join. Then I found out the jersey uniform is free. So this year I joined for the sake of a free jersey. Hahaha.Cute lang kasi.

A week before the sportsfest opening, we had a practice. I enjoyed it naman. Sarap sa katawan hehe. Komportable naman. Ewan ko lang pagdating ng game proper. I always have butterflies in my stomach kasi pag yung tunay na event na. Kahit saan. Even when I have presentations.


Una pa lang inisip ko pa talaga kung ano numero ilalagay. I ended up at number 8 pa din. Hahaha. That's a special number for me. =] For the name, I prefer KESO pero bawal daw 'yun, e that's my nickname naman tlaga hmmmp. Kaya ayan ang kinalabasan. Pero ok naman siya. Pangalan ko pa rin naman yan hehe.

Unfortunately, the budget for the uniform came short. Nag-abono kami ng P44. Considering it's only a jersey. Unlike the basketball players they have the complete set (with shorts). Naisip ko na lang, bakit kaya mas malaki 'yung buget nila? and they have managed to practice pa using their fund. Samantalang kami, own expense. Unfair. Hahaha. That's life. Okay.


At dumating ang uniform. Deep inside. i feel excited, pero di ako nagpahalata haha. That's the reason why i joined kaya. Ayon maganda ang design ng violet jersey. Hinalukay ko ang uniform ko. I removed it from the plastic then tadaaaa! Parang galing lang ako sa biggest loser. Not exaggerating pero its super loose talaga. I'm not blaming anyone naman minalas lang siguro talaga ko. Parang hindi worth tuloy yung additional P44 pesos. Hahaha.

Oh siya, need to prepare na. First time to play a 'real' game. Baka masalang ako sa game later. Susulitin ko yung P44! Aja. =]

Sunday, July 17, 2011

Dreams vs. Reality

I had this dream last night. This is something I've been planning for quite a long time. Are dreams a sign of what will happen in the future or the opposite of what will happen?


If what you have dreamt of about your plan is negative, would you be brave enough to push through your plan? Or hold back? Just holdback.. and gather all the courage you need? Hope time won't ran out..

Still thinking.. and thinking.. Good vibes for me.. =]


NP: Breakeven - The Script

Thursday, July 14, 2011

BUTI NA LANG, SABADO BUKAS!

Whoooh.. It's been a long week. Ang dami kong pagod. hehe. Peak season ko sa work. =]   Sana maging mahaba ang weekend at masulit ko.. Gusto ko sanang mag-out of town kahit 'yung tipong Tagaytay lang kaso wala akong kasama. Any suggestions for a cheap unwinding activity? hehe. For sure mararatay lang ako sa kama at matutulog maghapon. Kasakit din ng katawan. Gusto ko rin magbadminton wala naman akong kalaro. Wala akong kahati magbabayad ng renta sa court.. Hehehe.. I need to do something physically challenging and entertaining. Nabobore ako sa usual weekend routine ko.. Sayang ang weekend!


Later this night, may plano ata ako manood ng Harry Potter kaso mukhang plano pa rin siya ngayon. Hindi ko makontak 'yung kasama ko. Pero sana naman.. 'Di na rin kasi kami masyado nagkakabonding. Nakakamiss din pala haha. Pero bago 'yun gusto ko magdinner ng madami haha. Pig out mode na naman. Asar lang, sumisikip na naman ata mga t-shirt ko! =p

NP: Back To Me - The All American Rejects